Mga pilipinong napauwi sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, umabot na sa higit 153,000

84

Umabot na sa 153,124 na overseas Filipinos na apektado ng COVID-19 ang napauwi sa Pilipinas mula Pebrero hanggang Agosto 29.

Sa kabuuang bilang, 57,595 o 37.6% ang sea-based habang 95,529 o 62.4% ang land-based.

Ayon sa Deparment of Foreign Affairs, patuloy pa rin ang repatriation ng mga Pilipinong nais umuwi ng bansa.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang Pinoy na nais makauwi ng Pilipinas na ipagbigay-alam ito sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

Facebook Comments