Apat na Pilipino ang nasawi sa nangyaring sunog sa isang pabrika sa Taiwan noong Martes.
Ayon Manila Economic And Cultural Office (MECO) Chairperson Silvestre Bello III, tatlo ay nasawi dahil sa suffocation habang ang isa ay namatay habang nasa ospital.
Tatlo sa mga biktima ay kinilalang sina Renato Larua, taga-Cavite; Nancy Revilla, taga-Marinduque at Aroma Miranda na tubong Tarlac.
Bukod sa apat na nasawi, apat na pinoy workers din ng Lian Hwa Foods Corp. ang nasugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Ayon kay Bello, nagbigay na ng financial at medical assistance sa mga biktima ang kanilang employer maging ang gobyerno ng Taiwan.
Habang magkakaloob din ang gobyerno ng Pilipinas ng ₱200,000 death benefits at ₱20,000 burial benefits sa mga naulilang pamilya.
Bibigyan naman ng educational assistance ang kanilang mga anak.
Kinukumpleto na ng kanilang mga pamilya ang lahat ng mga dokumento upang maiuwi sa bansa ang mga labi ng mga biktima.
Nasa 100 Pilipino ang nagtatrabaho sa nasabing pabrika.