Mga Pilipinong pumapabor sa Cha-Cha, dumadami na

Ikinatuwa ni Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia ukol sa Charter Change o Cha-Cha.

Base sa survey na ginawa nitong March 15-19, tumaas sa 41% ang mga Pilipino na pabor na amyendahan ang restrictive economic provisions sa 1987 Constitution kumpara sa dating 31% na lumabas sa survey na ginawa noong September 2022.

Para kay Rodriguez, ipinapakita nito na parami nang parami ang mga Pilipino na naniniwalang kailangang baguhin ang saligang batas para mas makausad ang bansa at makahikayat ng mas maraming mamumuhunan.


Tiwala si Rodriguez na sa pamamagitan ng information campaign na isinasagawa ng Mababang Kapulungan sa mga lalawigan at siyudad sa buong kapuluan ay madadagdagan pa ang mga Pilipino na makukumbinsing sumang-ayon sa Cha-Cha.

Facebook Comments