Inanunsiyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) na kinakailangan munang sumailalim sa COVID-19 RT-PCR test ang lahat ng mga pilipinong uuwi sa bansa.
Ito ay bilang pagtugon sa health protocols na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan magiging mandatory din na isailalim sila sa quarantine procedures sa loob ng kanilang mga pasilidad.
Kasunod nito, inatasan din nila ang mga airline companies na abisuhan ang mga pasaherong dadating sa bansa ukol sa mga requirements.
Samantala, nasa mahigit 7,000 naman ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nabigyan ng quarantine clearance ayon sa Philippine Coast Guard.
Ito ay matapos lumabas na negatibo ang mga ito sa RT-PCR testing para sa COVID-19 kung kaya’t papayagan na sila ngayon na makauwi sa kanilang mga pamilya.