Mga piloto at cabin crew ng Cebu Pacific, sinimulan na ring bakunahan sa kanilang headquarters sa Pasay City

Sumalang na sa pagbabakuna ang unang batch ng mga piloto at cabin crew ng Cebu Pacific.

Sila ay kasama sa 300 mga empleyado ng CebPac na sumalang sa vaccination ngayong araw sa kanilang headquarters sa Pasay City.

Kabilang din sa mga binakunahan ang third-party workers ng nasabing air carrier.


Ito ay bilang bahagi ng Gokongwei Group COVID Protect Program.

Sa ngayon, 51% na ng total workforce ng Cebu Pacific ang fully vaccinated na dahil ilan sa kanila ay nabakunahan na sa kani-kanilang mga lungsod at munisipalidad.

Habang 58% ng mga piloto at cabin crew ang nakatanggap na ng first dose.

Facebook Comments