Mga pinagtatalunang probisyon sa BBL, sa bicam na lamang tatalakayin

Manila, Philippines – Nagdesisyon ang Kamara at Senado na sa bicameral conference committee na lamang tatalakayin ang mga pinagtatalunang probisyon sa ilalim ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sa pulong nila kay Pangulong Duterte ay wala namang itinakda ang Presidente sa BBL.

Aniya, agad na sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang BBL na kanila namang aaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa bago ang kanilang sine die adjournment ngayong Miyerkules.


Nagdesisyon ang dalawang Kapulungan na sa bicam nila pagdedebatehan at pagkakasunduin ang mga probisyon sa BBL ngayong congressional break.

Inaasahan na bago ang SONA ng Pangulo sa July 23 ay ganap ng batas ang BBL.

Facebook Comments