Mga pinapapasok sa loob ng Pasig Cathedral sa Simbang Gabi, hinahanapan ng Pasig Pass QR code

Mahigpit na ipinatutupad ngayon ang health protocol sa mga nagsisimba sa Pasig Cathedral o mas kilala sa Immaculate Conception Church sa gitna na rin ito ng pagdagsa ng mga dumalo sa tradisyonal na simbang gabi.

Kapansin-pansin na bago makapasok sa loob ng simbahan ay hinahanapan muna ng Pasig Pass QR code ang mga magsisimba.

Ang naturang hakbang ng simbahan ay nagsisilbing contact tracing solution sa lungsod ng Pasig para sa COVID-19 pero sakaling walang Pasig Pass QR code ang mga magsisimba, tinatanggap naman ang vaccine card.


Pagkatapos nito, dadaan sa thermal scanner ang mga magsisimba kung saan ay 50 percent ang capacity na ipinatutupad sa loob kung saan apat sa isang row lang ang pinapaupo sa loob ng simbahan.

Habang 70 percent naman sa labas.

Para ma-accommodate ang dami ng mga tao, naglatag ng monobloc chair sa labas ng simbahan na may tamang distansya para hindi magkadikit-dikit.

Walang dapat ipangamba ang mga nagsisimba dahil aktibo naman ang Pasig police sa pag-iikot sa simbahan kung saan ay may dala silang mga yantok at sinisita nila ang mga nagkukumpulan sa labas ng simbahan.

Facebook Comments