Mga pinasok na proyekto ng DPWH, sinusuri na ng bagong kalihim ng ahensya

Tiniyak ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Senado na kasalukuyan nang sinusuri ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga proyektong ipinasok ng ahensya sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP).

Sa ikalawang araw ng briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa mga senador ay kinwestyon ni Senator Erwin Tulfo ang magkaparehong budget ng flood control sa Antique at Iloilo na aabot sa P149.75 million ang halaga.

Nababahala si Sen. Erwin sa nakarating na ulat sa kanya na sa NEP na susubukang ikarga ang mga kwestyunableng proyekto upang hindi mapaghinalaan pagsapit ng budget sa bicameral conference committee.

Nilinaw ni Pangandaman na sa DPWH nanggaling ang mga panukalang proyekto at sila lamang sa Department of Budget and Management (DBM) ang nagtatakda ng halaga ng kabuuang pondo ng ahensya na sa susunod na taon ay aabot sa P875 billion.

Facebook Comments