Mga Pinoy at dayuhang bumibiktima sa mga kabataan, binalaan ni Senator Risa Hontiveros

Binalaan ni Senator Risa Hontiveros ang mga dayuhan at mga Pilipinong bumibiktima sa mga kabataan at kababaihan na mayroong batas na hindi titigil para pagbayaran ang kanilang mga nagawang krimen.

Ang reaksyon ng senadora ay kasunod na rin ng paghatol sa Australian pedophile na si Peter Gerard Scully ng 129 taong pagkakabilanggo sa bansa dahil sa mga kaso ng rape at trafficking ng mga batang babae.

Ayon kay Hontiveros, ang conviction sa dayuhan at mga kasabwat nito ay tagumpay para sa maraming batang biktima at mga victim-survivors ng sexual abuse at exploitation.


Magsilbi aniyang babala ito sa lahat ng mga Pinoy at foreign perpetrators ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) at human trafficking na may batas na tutugis sa kanila at sila’y tiyak na mapaparusahan sa ilalim ng batas.

Ang paghatol sa Australian pedophile ay mas lalong nagpapatunay sa kahalagahan na maipatupad ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law at pagsuporta sa Expanded Anti-Trafficking Act of 2022.

Facebook Comments