Manila, Philippines – Simula November 1 ay maaari nang bumisita sa Taiwan ang mga Pilipino nang walang visa.
Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO), hindi na kailangan ng visa ng mga Pilipino na mananatili sa Taiwan hanggang labing apat na araw para sa turismo, negosyo, pagbisita sa mga kamag-anak o pagdalo sa ilang mga events.
Magtatagal ang trial-period para sa prebilehiyong ito hanggang July 31, 2018.
Iginiit ni Gary Song-Huann Lin, kinatawan ng Taiwan sa Pilipinas, na layunin nitong mapaigting ang ugnayan ng Pilipinas at Taiwan.
Facebook Comments