Mga Pinoy, mas malaki ang ginagastos sa hygiene at self-care kits tuwing may kalamidad ayon sa isang pag-aaral

Mas malaki ang ginagastos ng mga Pilipino sa mga pangangailangan sa hygiene at self-care tuwing oras ng emergency o kalamidad.

Batay sa ito sa pag-aaral ng enterprise resource planning platform na Packworks kung saan lumalabas sa datos na mas maraming Filipino ang bumili ng shampoo at conditioner sa mga sari-sari stores kasunod ng mga nagdaang kalamidad.

Kabilang dito ang pananalasa ni Bagyong Odette noong December 2021, pagputok ng Bulkang Taal nitong Marso at ang pagyanig ng magnitude 7 na lindol sa Abra noong Hunyo.


Lumalabas din sa pag-aaral ng 18% ng mga kinita ng mga sari-sari stores ay mula sa hair care products kung saan pumangalawa ang gamit sa panlaba na may 16%.

Ayon kay Packworks data head Andres Monitel, mas pinipili ng mga Pilipino ang bumili ng mga immediate necessities sa kalapit na tindahan kaysa magtungo sa mga malalaking supermarkets.

Nakuha ng naturang kumpanya ang datos mula sa halos 200,000 sari-sari stores sa buong bansa na siyang makakatulong upang pag-aralan kung paano gumastos ang mga Pilipino.

Facebook Comments