Mga Pinoy na apektado ng wildfire sa Canada, hinimok na makipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Vancouver

Pinapayuhan ng Philippine Embassy sa Canada ang mga Pilipinong naapektuhan ng wildfire sa Northwest territories na makipag-ugnayan sa Philippine Consulate sa Vancouver.

Ito ay para mabigyan sila ng kaukulang tulong ng konsulada partikular ang mga naninirahan sa City of Yellowknife, N’dilo, Dettah, at Ingraham Trail.

Pinapayuhan din ang Filipino community sa naturang mga lugar na sumunod sa kautusan ng mga awtoridad na lisanin ang lugar sa lalong madaling panahon.


Sa ngayon, nagsisilbing evacuation centers ang ilang mga paaralan sa naturang lugar.

Kabilang sa pinatutupad ngayon ng mga awtoridad doon ang air evacuation at boat evacuation.

Paliwanag kasi ni Dizon, ito’y para hindi matakot ang mga motorista o publiko kung saan hindi rin sila magdadalawang-isip na lumapit sakaling mangailangan ng tulong.

Facebook Comments