Mga Pinoy na inililikas sa Sudan, makatatanggap ng financial assistance sa pamahalaan; Secretary Ople, tutungo ngayong gabi sa Cairo, Egypt

Makakatanggap ng tulong pinansyal ang mga Pilipinong maililikas na naipit sa gulo sa Sudan.

Ito ang tiniyak ni Department of Migrant of Workers (DMW) Secretary Susan “Toots Ople sa press briefing sa Malacañang.

Ayon sa kalihim, tig-200 dolyar aniya ang agarang tulong na maibibigay sa mga ililikas na mga Pilipino lalo’t karamihan sa mga ito ay halos walang nabitbit na gamit.


Sinabi pa ng kalihim, bilin sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking maliligtas ang lahat ng Pilipino kahit pa ang mga walang mga kumpletong dokumento.

Utos din daw ng pangulo sa DMW na makipag-ugnayan sa United Nations at International Organization for Migration para sa mabilisang pagpapalikas sa mga Pilipino.

Sa ngayon, mayroong tatlong exit point para sa mga Pilipino, ito ay ang via land patungong Aswan, Egypt, patungong port of Sudan patungong Jedda at via air patungong Jibuti sa East Africa.

 

Samantala, ngayong gabi naman ay nakatakdang umalis si Secretary Ople patungong Cairo, Egypt upang mas matutukan ang paglilikas ng mga Pinoy mula sa Sudan.

Batay sa hawak na impormasyon ni Secretary Ople, mahigit 300 ang kailanganng ilikas sa Sudan.

Facebook Comments