Mga Pinoy na malapit sa border ng Southern Lebanon, pinayuhang makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Beirut dahil sa tensiyon sa lugar

Todo ngayon ang panawagan ng Philippine Embassy sa Beirut sa mga Pinoy na malapit sa southern border ng Lebanon na makipag-ugnayan sa kanila o sa Migrant Workers Office dahil sa tensiyon sa naturang rehiyon.

Maliban dito, pinayuhan na rin ng Philippine Embassy ang mga Pilipinong nasa lugar na lumikas at iwasan ang pagbiyahe sa Southern Lebanon kung hindi naman kinakailangan.

Kung maaari raw ay magparehistro at mag-update ang mga Pinoy na nasa area kaugnay ng kanilang sitwasyon.


Nagdudulot kasi ng banta sa kaligtasan at seguridad ng mga sibilyang naninirahan sa naturang lugar ang tensiyon sa southern border ng Lebanon.

Una rito, nasa 100 Pinoy na naninirahan sa Israel na nasa boundary ng Southern Lebanon ant inilikas na rin.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ito ay sa gitna ng mga rocket strike ng Lebanese militant group na Hezbollah.

Facebook Comments