Nadagdagan ang bilang ng mga Pilipino na nangingisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa bahagi ng Zambales.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Artemio Abu, may nakita silang 45 Filipino boats na nangingisda sa bisinidad ng Bajo de Masinloc nang magsagawa sila ng maritime operations mula February 28 hanggang March 5.
Aniya, ang nasabing bilang ng mga mangingisdang Pinoy sa lugar ay maituturing na positibong balita sa harap ng kanilang layunin na mapaigting ang maritime security at safety sa Zambales.
Tiniyak naman ni Abu sa mga mangingisda na patuloy ang isasagawang aktibidad ng PCG sa lugar para mapangalagaan sila.
Facebook Comments