Mga Pinoy na may H2-A at H2-B visa, hindi papapasukin sa US

Nag-abiso ang Department of Homeland Security (DHS) ng Estados Unidos na hindi tatanggapin ang mga Pilipinong may temporary visas para sa foreign agricultural at non-agricultural workers.

Epektibo ito mula January 19, 2019 hanggang January 18, 2020.

Base sa federal register ng DHS, hindi na papayagang makapasok ng Amerika ang mga Pilipinong manggagawa na may H2-A at H2-B visas dahil sa mataas na bilang ng mga Pilipinong overstaying at nasasangkot sa human trafficking.


Ayon kay DHS Secretary Kirstjen Nielsen – ikinababahala nila ang mataas na bilang ng trafficking victims mula sa Pilipinas.

Binanggit din ng DHS ang U.S. Embassy sa Manila na nakapagtala ng pinakamataas na issuance ng T-derivative visas.

Nakareserba lamang ang T-derivative visas sa ilang family member na biktima ng matinding human trafficking.

Facebook Comments