Mga Pinoy na may medical condition sa Hong Kong, pinadudulog sa OWWA Hong Kong

Pinayuhan ni Overseas Workers Welfare Administration o OWWA-Hong Kong Welfare Officer Virsie Burgos-Tamayao ang Filipino domestic workers doon na may karamdaman na magtungo muna sa kanilang tanggapan bago umuwi ng Pilipinas.

Layon nito na ma-assist sila sa kanilang pag-uwi ng Pilipinas kung saan kinakailangan aniyang ma-coordinate ito sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan pagdating nila sa bansa.

Partikular sa Local Government Unit (LGU), Department of Health (DOH), Department of Quarantine (BOC), sa pamamagitan ng unified medical report para sa repatriation ng Overseas Filipino Workers (OFW).


Mahalaga rin aniyang malaman nila ang eksaktong medical condition ng OFW para pagdating sa Pilipinas ay may naka-abang nang wheelchair, ambulansya o medical personnel sa airport.

Nilinaw rin ni Tamayao na kapag malala ang kundisyon ay hindi na ito isasailalim sa quarantine at sa halip ay agad na bibigyan ng medical attention.

Facebook Comments