Mga Pinoy na naapektuhan ng malakas na lindol sa Japan, pinapayuhang makipag-ugnayan sa DMW office sa Osaka

Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pilipino sa Japan na naapektuhan ng malakas na lindol na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa Osaka.

Ito ay para mabigyan sila ng agarang tulong-pinansyal sa harap ng krisis.

Ayon sa DMW, ang kailangan lamang gawin ng mga apektadong Pinoy ay mag-email sa kanila o di kaya ay tumawag sa hotlines ng Migrant Workers Office sa Osaka.


Sa ngayon, mahigit 50 na ang patay sa nasabing lindol.

Pahirapan naman ang rescue operations dahil sa patuloy na pagbubos ng malakas na ulan sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments