Mga Pinoy na nai-infect ng COVID-19 sa abroad, bumabagal na

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maliit na lamang ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na bagong tinatamaan ng COVID-19 sa ibayong-dagat.

Sa ngayon, 66 lamang ang naitala ng DFA na bagong kaso ng infection sa hanay ng Overseas Filipinos.

35 naman ang bagong gumaling at 1 ang bagong binawian ng buhay.


Kabilang sa mga bagong kaso ay naitala mula sa Asia, Pacific, Middle East at Africa.

Sa ngayon, umaabot na sa 24,975 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng Overseas Filipinos.

8,751 naman ang aktibong kaso at ang total recoveries na ay 14,763.

Habang ang total recoveries ay 14,763 at ang total deaths ay 1,461.

Facebook Comments