Mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan sa Lebanon, inaalok na ng welfare assistance ng Philippine Embassy

Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Lebanon ang welfare assistance mula sa Philippine government na maaaring matanggap ng mga Pinoy roon.

Sa harap ito ng lumalalang kaguluhan sa Lebanon kung saan pinalilikas na ng ilang bansa ang kanilang nationals doon.

Ayon sa Philippine Embassy, batid ng pamahalaan ng Pilipinas na walang kasiguraduhan ngayon ang pamumuhay sa Lebanon kaya inaalok nila ng welfare assistance ang mga Pinoy doon.


Ang kailangan lamang gawin ay magparehistro sa Embahada hanggang sa August 15.

Hinihimok naman ang Filipino community doon na ipaabot sa iba pang Overseas Filipino Workers (OFW) ang naturang impormasyon.

Facebook Comments