Manila, Philippines – Mas handa sa sakuna o kalamidad ang mga Pilipinong nakatira sa mga lugar na madalas tinatamaan nito.
Ito sa lumabas sa pag-aaral ng Harvard Humanitarian Initiative noong 2017.
Karamihan sa respondents na nakatira sa mga lugar na palagiang sinasalanta ng bagyo ang mas handa o naniniwalang sila ay ‘self-reliant’ pagdating sa disaster preparedness dahil na rin sa mga nagdaang karanasan.
Halos 52% ng mga respondent na nakatira sa Eastern Visayas ang nagsabing handa sila sa sakuna, 49% sa Bicol Region habang 44% sa Western Visayas.
Mas maraming respondents sa tatlong rehiyon ang nagsabing maaga silang nagpaplano para paghandaan ang anumang kalamidad o sakuna.
31% ng respondents sa Northern Mindanao rin ang nagsabing disaster prepared sila.
Nasa 4,368 na Pilipino ang tinanong ng survey sa buong bansa.