Mga pinoy na naninirahan sa mga bansang posibleng hagupitin ng hurricane Irma, pinaghahanda

Manila, Philippines – May nakalatag ng contingency plans ang ating counterpart sa Caribbean islands kasama ang Puerto Rico kaugnay nang inaasahang pagtama ng hurricane Irma.

Ayon kay Foreign Affairs Asec Rob Bolivar, in place na ang lahat ng ating Foreign Service Posts upang bigyan ng guide ang ating mga kababayan doon.

Sa ngayon, nagdeklara na ang Florida at Puerto Rico ng State of Emergency bilang paghahanda sa isa sa pinakamalakas na bagyo na tatama sa Atlantic region ngayong taon.


Inilagay na sa Category 5 ng National Weather Service ang hurricane Irma.

Sa datos ng DFA mayruong 5,500 Filipinos na nagttrabaho at naninirahan sa mga bansa at teritoryong nasasakupan ng Caribbean sea.

Samantala, maaari namang tumawag ang ating mga kababayan sa ating konsulada sa mga numerong ‎202 467 9300 para sa karagdagang impormasyon.

Facebook Comments