Ipinasasama ni Senator Risa Hontiveros sa paglikas o sa repatriation ang Overseas Filipino Workers (OFWs) o mga kababayang nasa karatig-bansa ng Israel.
Giit ni Hontiveros, dapat na kasama sa plano ang mga Pilipinong nasa mga karatig-bansa na maaaring maapektuhan ng war conflict ng Israel at Hamas group kapag tumagal pa ang giyera doon.
Magiging saklaw aniya ng planong paglikas ang documented at undocumented OFWs.
Kasama sa mga ipinalalatag na plano ang transportation, logistics, communication strategies at ligtas na shelter para sa mga Pinoy sa labas ng Israel.
Hiniling ng mambabatas ang agad na kahandaan para sa kakailanganing charter flights, mga bus, dagdag na security personnel, at sapat na medical at humanitarian aid sa ating mga kababayan.
Nangako naman si Hontiveros na makipagtulungan at makikipag-ugnayan sa DFA, DMW at sa iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak ang ligtas na pagbabalik ng OFWs.