Mga Pinoy na nasugatan sa nangyaring sunog sa London, nasa ospital pa rin

London – Nasa ospital pa rin ang mga Pinoy na nasugatan sa sunog sa 24-story Grenfell Tower sa London.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar – kabilang sa mga biktima ay ang pitong buwang pilipinong sanggol, na isinugot sa ospital dahil sa slight suffocation at pagkahilo.

Kasabay nito, inabisuhan ng DFA ang mga Pilipino na naninirahan malapit sa tower na huwag na munang bumalik sa kanikanilang mga bahay hanggang sa mag-stablize ang sitwasyon doon.


Nakausap na rin ng kagawaran ang Filipino community sa United Kingdom na tumulong sa mga kapwa Pilipino na apektado ng nasabing sunog.

Facebook Comments