Pinaalahahanan ng Filipino Community leaders ang mga Pilipinong papasok sa Hong Kong hinggil sa pre-departure testing arrangements para sa inbound passengers.
Partikular ang pag-alis ng Hong Kong government sa nucleic acid testing requirements sa mga papasok na pasahero.
Sa kabila ng naturang pagluluwag, ino-obliga naman ang mga biyaherong papasok ng Hong Kong na sumailalim sa rapid antigen test (RAT) araw-araw.
Gagawin ito ng inbound traveler sa loob ng 5 araw pagkatapos ng kanyang arrival doon.
Ang pagluluwag sa travel restrictions sa Hong Kong ay bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng border ng mainland China.
Facebook Comments