Mga Pinoy na stranded sa Sudan, pinaiiwas tumawid sa Port Sudan

Pinapayuhan ng Philippine Embassy sa Cairo ang mga Pilipinong aalis ng Sudan na iwasang dumaan sa Port Sudan sa kanilang paglilikas.

Ito ay dahil sa pahirapan na ang flights ngayon sa Port Sudan International Airport.

Bunga nito, pinapayuhan na lamang ng Embahada ang Pinoy evacuees na sa Sudan-Egypt Border na lamang dumaan.


Pinapayuhan din sila na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Cairo bago magtungo sa Sudan-Egypt Border.

Kailangan ding tiyakin ng Pinoy repatriates na sila ay may dalang sapat na pera sa kanilang paglilikas mula Sudan.

Facebook Comments