Ibinahagi ng Department of Foreign Affairs o DFA na dadaan sa tatlong stage ng screening ang mga Filipino na nasa Wuhan, China na gustong makabalik sa bansa.
Ayon kay DFA Secretary Teddy Boy Locsin, Jr., tanging ang mga manggagawa sa kalusugan na galing sa Department of Health o DOH ang gagawa ng nasabing screening.
Aniya, una, bago sumakay ng eroplano susuriin ang mga ito kung may ubo, sipon, lagnat, at respiratory symptoms, kung mag positibo hindi ito papayagang makasakay.
Pangalawa, habang nasa biyahe, patuloy ang pag-monitor sa mga pasahero upang masuri kung nakikitaan ba ito ng sintomas, kung magpositibo, ihihiwalay ito ng upuan.
Pangatlo, susuriin muna ang mga pasahero bago bumaba ng eroplano, kapag nagpositibo sa mga sintomas, agad itong isasakay ng ambulansya para maisugod sa ospital, at ang nagnegatibo ay dadalhin agad sila sa quarantine facility sa Athlete Village sa New Clark City, Capas, Tarlac.