Mga Pinoy na wala ng oras na lumabas ng bahay, target ng Toobusy Milktea

Masyado ba kayong busy upang lumabas ng bahay at makabili ng ilang pampalamig tulad ng Milktea?

Maaari niyo na itong gawin sa tulong ng Toobusy Milktea na may alok na 11 flavors para sa mga gustong maka-discover o makatikim ng kanilang produkto.

Sa Interview ng Business as Usual ng DZXL 558 Radyo Trabaho, sinabi ni Norbelyn Tubice na may-ari ng Toobusy na nakabase sa Taguig na nag-umpisa sila sa maliit ng pwesto hanggang sa lumaki at maging tanyag.


Una na rin aniya siyang nagsimula sa online selling hanggang sa pumasok sa food business na umaarangkada na ng anim na buwan at maraming positive feedback na natatanggap.

Facebook Comments