Pinaiiwas ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Ethiopia sa 4 na rehiyon doon.
Sa harap ito ng kaguluhan sa naturang mga lugar, kung saan nagdeklara na ang Pamahalaan ng Federal Democratic Republic of Ethiopia ng anim na buwang state of emergency sa Amhara.
Partikular na pinaiiwas ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt ang mga Pinoy sa mga rehiyon ng Tigray, Afar, Amhara at Benishangul-Gumuz sa northern Ethiopia.
Sa ngayon, nananatili ang Alert Level 4 na pinaiiral ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa naturang mga rehiyon.
Pinapayuhan naman ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na nakatira ngayon sa nasabing mga rehiyon na lisanin na ang lugar sa lalong madaling panahon.
Ang mga Pinoy naman na nasa rehiyon ng Ethiopia na nasa ilalim ng Alert Level 2 ay pinag-iingat ng embahada at pinalilimitahan ang galaw.
Pinaghahanda rin sila sa posibleng evacuation.