Mga Pinoy, pinakahirap makatulog sa Timog-silangang Asya ayon sa isang pag-aaral

Pinakahirap na makatulog ang mga Pilipino sa Timog-silangang Asya.

Batay sa pag-aaral ng consumer research at data analytics company na Milieu Insight noong Abril, 56% ng mga Filipino respondent ang nakararanas ng hirap sa pagtulog.

Pumangalawa ang Thailand, 49% at pangatlo ang Indonesia na may 44%.


Lumahok din sa survey ang mga bansang Vietnam (43%), Singapore (42%) at Myanmar (39%).

Lumabas din sa pag-aaral na 59% ng populasyon ng Southeast Asia ang nakakagawa lamang ng mas mababa sa pitong oras na tulog.

Kaugnay nito, pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na magkaroon ng sapat na oras ng tulog, maayos na sleeping environment kung saan walang ingay at iwasang gumamit ng gadget bago matulog.

Facebook Comments