Mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19, mahigit 9,000 na

Umaabot na sa 9,001 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Ito ay mula sa 65 na mga bansa na may kaso ng virus.

21 na panibagong mga Pinoy ang naitalang tinamaan ng COVID sa Asia and the Pacific.


Sa naturang bilang, 3,046 ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang mga bansa.

5,321 naman na mga Pinoy sa abroad ang gumaling na sa sakit habang pumalo na sa 634 ang mga binawian ng buhay.

Facebook Comments