Manila, Philippines – Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs ang mahigit sampung milyong overseas Filipinos na lalo pang maging vigilant sa harap ng terrorist attacks sa iba’t ibang bansa.
Ang statement ng DFA ay kasunod ng nabigong terrorist attack sa Russia at ang shooting incident sa Burkina Faso, West Africa kung saan labing-walo katao ang nasawi.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, kailangang maging handa lagi ang mga Pilipino sa abroad dahil ang mga pag atake ng terorista ay mahirap ma-predict kung saan at anong oras mangyayari.
Inihayag ng DFA na batay sa data ng Global Terrorism Database, 1,102 terror incidents na ang nangyari sa buong mundo mula January hanggang August ng taong ito.
Facebook Comments