Natatakot na ang mga Pilipino sa Afghanistan matapos na mapasok ng Taliban forces ang kabisera ng bansa, ang Kabul.
Sa isang panayam, sinabi ni Joseph Glenn Gumpal, pinuno ng Filipino community sa Afghanistan na lalo silang nag-alala nang alaming umalis na ng bansa ang presidente nito na si Ashraf Ghani.
Sa ngayon, wala pa naman aniyang karahasan pero narinig nila na may mga checkpoints na pinamamahalaan ng Islamist militants.
Hindi rin sila tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy para sa pagpapauwi sa kanila.
Una nang ipinag-utos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory evacuation ng 130 mga Pilipino sa Afghanistan.
Facebook Comments