Mga Pinoy sa Cambodia, hinimok ng Philippine Embassy na mag-report sa kanila ng kanilang lokasyon

Hinimok ng Philippine Embassy sa Cambodia ang mga Pilipino roon na ibigay sa kanila ang kanilang lokasyon.

Partikular ang mga Pinoy sa border ng Thailand at Cambodia kung saan nagaganap ang tensyon sa pagitan ng Thai at Cambodian forces.

Pinapayuhan din ang mga Pinoy roon na iwasan ang mga lugar kung saan may nagaganap na bakbakan.

Partikular ang military camps, at military facilities.

Hinihimok din ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Cambodian borders na sundin ang payo ng local at national authorities sa nasabing bansa.

Sa ngayon, 10,000–12,000 ang mga Pilipino sa Cambodia, kabilang na ang mga nasa 87 border provinces.

Facebook Comments