Mga pinoy sa Canada, tinutunton ng Philippine Embassy kasunod ng widlfire doon

Nag-a-update ngayon ang Philippine Embassy sa Canada ng record ng Filipino Community Organizations doon at sa Bermuda.

Kasunod ito ng wildfire sa Eastern Canada.

Hinimok ng Embahada ang Filipino Organizations sa Canada na magsumite sa kanila ng mga impormasyon bilang bahagi ng pag-update sa database.


Layon nito na mapabilis ang komunikasyon ng Philippine Embassy sa Filipino organizations sa Canada at Bermuda.

Isinisi naman ng mga awtoridad sa Canada sa climate change ang nararanasan ngayon doon na extreme fire weather.

Facebook Comments