Mga Pinoy sa Doha, Qatar – pinayuhang maging alerto at handa

Nanawagan si Special Envoy to Middle East, Environment Sec. Roy Cimatu sa mga Pilipino sa Qatar na manatiling alerto at laging handa.

Ito ay sa gitna na rin ng tensyon sa gitnang silangan.

Paglilinaw ni Cimatu – hindi pa naman kailangang ilikas ang mga Pilipino sa Doha subalit malakas ang presensya ng US military sa lugar na pwedeng atakehin ng Iran.


Apela ng kalihim sa mga Pilipinong nakabase malapit sa US military bases na lumipat muna.

Tiniyak naman ng gobyerno na may nakahandang contingency plans ang embahada.

Facebook Comments