Mga Pinoy sa Egypt, pina-alalahanan sa umiiral na Egyptian Labor Law

Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Egypt ang mga Pilipino doon sa umiiral na Egyptian Labor Law.

Batay sa abiso ng embahada, ang lahat ng nais magtrabaho sa Egypt ay kinakailangan kumuha ng work license at work permit mula sa Egyptian Ministry of Manpower.

Nilinaw naman ng Philippine Embassy na exempted sa work permit ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa mga embahada gayundin ang foreign correspondents at foreign clerics.


Exempted din sa work permit ang mga dayuhang nagtatrabaho sa mga barkong Egyptian na nakadaong sa pantalan ng Egypt.

Hindi rin sakop ng work permit ang mga dayuhang investors sa Egypt.

Facebook Comments