Mga Pinoy sa Gaza City, makakatawid na sa Egypt

Kinumpirma ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) na binuksan na muli ang Rafah Crossing.

Ayon sa DFA, cleared na ring tumawid ang kabuuang 39 Pinoy repatriates mula Gaza City.

Ang naturang mga Pinoy ay nasa border na at inaasahang tuluyan nang makakatawid ng Egypt.


Kinumpirma rin ng DFA na may verbal clearance para sa safe passage ng mga Palestinong asawa ng mga Pinoy.

Mayroon na lamang tatlong araw sa Egypt ang Pinoy repatriates para mamalagi bago tuluyang umuwi ng Pilipinas.

Tatlong araw lamang kasi ang visa na binibigay ng Egypt sa mga Pilipinong tumatawid sa kanilang bansa.

Facebook Comments