Mga Pinoy sa Hong Kong, binalaan sa pagsasanla ng ATM card

Nagbabala ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa tumataas ng bilang ng mga Pinoy doon na nasasangkot sa money laundering.

Ito ay dahil sa nagagamit ang kanilang ATM card sa money laundering lalo na kapag ito ay sinasanla.

Nagbabala naman ang Konsulada ng Pilipinas sa mga Pinoy sa Hong Kong na iwasang ipagkatiwala sa ibang tao ang kanilang ATM card.


Mayroon kasing mga sindikato doon na gumagamit ng ATM cards ng iba sa kanilang iligal na transaksyon.

Nagpaalala ang Philippine Consulate na ang kasong money laundering sa Hong Kong ay may katapat na parusang multa na umaabot sa 5 million Hong Kong dollars at 14 na taong pagkakakulong.

Facebook Comments