Manila, Philippines – Matutupad narin ang matagal nang hinihilingng mga Overseas Filipino Workers sa Hong Kong na dalawin sila ni PangulongRodrigo Duterte.
Ayon kay Bernardita Catalla ang Consul General ngPilipinas sa Hong Kong excited na ang mga pinoy doon na makita si PangulongDuterte at mga kasama nitong opisyal ng Pamahalaan.
Sinabi ni Catalla na matagal nang gusto ng mga OFW nabisitahin din sila ni Pangulong Duterte.
Matatandaan na noong nakaraang halalan ay marami sa atingmga kababayan na nasa labas ng bansa ang nagpakita ng suporta kay pangulong Dutertelalo na ang mga nasa Hong Kong kung saan nakakuha ang pangulo ng 66% votes samga bumoto sa Hong Kong
Ayon kay Catalla, sa ngayon ay nasa 190 libo ang mga OFWsa Hong-Kong at 92% sa mga ito ay Domestic Workers.
Darating si Pangulong Duterte sa Hong Kong bukas May 12at aalis ng May 13 ngayon naman ay nasa Cambodia si Pangulong Duterte para sakanyang pagdalo sa World Economic Forum.
Mga pinoy sa Hong Kong, excited nang makita si Pangulong Duterte
Facebook Comments