Hati ang reaksyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong sa pagpalo ng 57 ng palitan ng piso kontra dolyar.
Ilan sa OFWs ang natuwa dahil mas malaki ang palit ng piso laban sa dolyar.
Habang may ilan naman ang dismayado pa rin dahil kapag tumataas anila ang halaga ng dolyar kontra piso, tumataas ang presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.
Ayon kay Gem Lauraya, OFW leader sa HK, bukod sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, awtomatiko ring tumataas ang halaga ng langis at ng pamasahe.
Facebook Comments