Pinag-iingat ng Philippine Consulate General ang mga Pilipino sa Hong Kong laban sa heat stroke.
Sa harap ito ng tumataas na temperatura doon at inaasahang lalo pa itong tataas sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang Filipino community na palaging uminom ng tubig lalo na ang mga nagtatrabaho sa outdoor.
Pinapayuhan din ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na iwasang uminom ng mga inumin na may caffeine tulad ng kape at tsaa dahil nakaka-dehydrate ito.
Gayundin kailangang magsuot ng maluluwag at preskong tela ng damit.
Facebook Comments