Pinayuhan ng Filipino community leaders sa Hong Kong ang mga Pinoy doon na iwasan munang magtungo sa bars at nightclubs.
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19 doon.
Isinisi ng Hong Kong government ang muling pagtaas ng kaso ng infection sa pagbubukas ng mga nightclubs doon.
Sa ngayon, inoobliga na ang mga papasok sa bars na magprisinta ng negatibong resulta ng antigen test.
Magugunitang katatapos lamang ng Hong Kong na makaranas ng ikalimang wave ng COVID surge.
Facebook Comments