Mga Pinoy sa Hong Kong, umiiwas muna sa pagtungo sa mga pagtitipon kasunod ng stampede sa South Korea

Umiiwas muna ang mga Pilipino sa Hong Kong na dumalo ngayon sa mga selebrasyon o pagtitipon doon.

Kasunod ito ng nangyaring stampede sa Halloween party sa Seoul, South Korea kung saan mahigit 100 ang binawian ng buhay.

Ayon sa Filipino Community, tumalima rin sila sa naging kautusan ng HK government na iwasan munang dumalo sa Halloween festivities.


Sa naturang restrictions, ilang mga kalsada sa Hong Kong ang pansamantalang isinara hanggang kagabi.

Facebook Comments