Mga pinoy sa Hongkong, muling pinaalalahahang ng konsulado ng Pilipinas

Pinaalalahanan ng Philippine Consulate sa Hong Kong ang mga pinoy na huwag magsuot ng itim at puting damit.

 

Ayon sa konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong ito ay para makaiwas sa kaguluhan sa nagpapatuloy na kaliwa’t kanang kilos-protesta doon.

 

Maliban rito, pina-iiwas rin ng konsulada ang mga pinoy sa mga protesta sa sumusunod na mga lugar:


 

– Tamar Park sa admiralty

– Sha Tin Town Hall Plaza

– Tuen Mun Park

– Discovery Park sa Tsuen (Thun) Wan

– Wong Tai Sin Square

– Macpherson (Mak-Person) Playground sa Mong Kok

– Kwong (Ku-Wang) Fuk Football Park sa Tai Po

 

Para sa mga mangailangan ng tulong, maaring tumawag sa mga numerong 9155-4023 sa para consular assistance, 6165-2406 sa polo at 6345-9324 sa OWWA.

Facebook Comments