Mga Pinoy sa Iran, pinag-iingat ng Philippine Embassy sa harap ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran

Inalerto ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Iran sa harap ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Pinaiiwas din ng Embaha ang mg Pinoy sa malaking pagtitipon at sa tourist spots.

Pinapayuhan din ang Filipino community roon na tiyaking laging nakahanda ang kanilang mahahalagang kagamitan.


At kapag may alam sila na may Pinoy na nangangailangan ng tulong ay agad na ipaalam sa Filipino community at sa Philippine Embassy.

Mahalaga rin anilang may nakatago silang contact numbers ng Philippine Embassy o Consulate, gayundin ng local authorities, at medical facilities.

Facebook Comments