Mga Pinoy sa Iraq, kailangang kumuha ng exit visa at ticket sa mga employer

Kailangang kumuha ng mga Pilipino sa Iraq ng exit visa at ticket mula sa kanilang mga employer.

Ito ang paglilinaw ng Embahada ng Pilipinas sa Iraq matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 4 o mandatory repatriation ang status dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Middle East.

Ayon kay Charge d’ Affairs Jomar Saide – bahagi ito ng normal procedure para sa pagpapalikas ng mga Pilipino doon.


Sakali namang tumanggi ang employer ng OFW, payo ni Saide na agad makipag-ugnayan sa kanila at sila ang kakausap sa mga ito.

Ang mga Pilipinong walang employer at biktima ng human trafficking na makipag-ugnayan o magtungo sa Baghdad para sila ay matulungan.

Facebook Comments