Mga Pinoy sa Iraq, pinag-iingat ng Philippine Embassy matapos ang pagkaka-aresto sa dalawang prominenteng miyembro ng ISIS

Pinaiiwas ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Iraq na magtungo sa Sulaymaniyah at Kurdistan.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na kaguluhan doon at sa pagkaka-aresto sa dalawang prominenteng miyembro ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIS).

Inihayag din ng Philippine Embassy na kung hindi maiiwasan na magtungo sa naturang mga lugar sa Iraq, iwasan na lamang anila ang mga pampublikong lugar at maging alerto sa lahat ng oras.

Pinapayuhan din ang Filipino nationals sa Iraq na sundin ang emergency instructions ng local government authorities doon.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 3 Status sa Iraq.

Facebook Comments