
Pinaiiwas ng Philippine Embassy sa Iraq ang mga Pinoy roon na magtungo Sulaymaniyah at Kurdistan.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na problema sa seguridad sa naturang mga lugar.
Ayon sa embahada, kapag naman nasa loob na ng naturang mga lugar o hindi maiiwasang magtungo sa Sulaymaniyah at Kurdistan, kailangang iwasan ang mga pampublikong lugar at maging alerto.
Kailangan ding i-monitor ang mga balita at sundin ang emergency instructions ng local government authorities.
Kapag kailangan ng tulong, tumawag lamang sa hotlines ng Philippine Embassy.
Facebook Comments









