
Pinapayuhan ang mga Pinoy na huwag munang bumiyahe sa Sulaymaniyah, Kurdistan, Iraq dahil sa umiiral na sitwasyon sa seguridad.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Iraq, kung hindi maiiwasan ang pag-alis ay mabuting umiwas sa mga pampublikong lugar.
Maiging subaybayan din ang mga balita, at manatiling mapagbantay para sa kanilang kaligtasan.
Pinapayuhan ang mga Filipino National na sundin ang anumang emergency at tagubilin na maaaring ibigay ng mga awtoridad ng lokal na pamahalaan.
Para sa karagdagang impormaston maiging makipag-ugnayan lamang Embassy Hotline (+964 783 700 54 57) para sa mga Emergency.
Samantala, nananatili naman sa Alert Level 3 ang Status ng Iraq.
Facebook Comments








